^

Bansa

9 bibitayin sa Pebrero

-
Matapos na pigilin ng Supreme Court ang takdang pagbitay sa dalawang convicted kidnappers na sina Roberto Lara at Roderick Licayan, siyam namang nasa death row ang magkakasunod na isasalang sa lethal injection chamber na sisimulan sa Pebrero 10.

Base sa talaan ng Department of Justice, unang isasalang sa bitayan sa New Bilibid Prisons ang death convict na si Jeffrey Garcia na may kasong forcible abduction at tatlong kasong rape sa Pebrero 10.

Si Garcia ay minsan nang nabigyan ng Pangulong Arroyo ng reprieve mula sa orihinal na petsa ng bitay noong Nobyembre 12, 2003.

Itinakda ng Batangas court ang pagbitay kay Juan Manalo, na may kasong rape sa Pebrero 12. Unang itinakda ng korte ang pagbitay kay Manalo noong Nob. 14, 2003 subalit naipagpaliban ito dahil na rin sa kautusan ng Pangulo.

Sa darating na Pebrero 15 ang itinakdang pagbitay naman sa convicted rapist na si Alejo Miasco habang ang pang-apat na nasa death row na si Camilo Soriano na may kaso ring rape ay bibitayin sa Peb. 19.

Panglima na nakapila sa death chamber sa Peb. 21 si Rolando Pagdayawon na hinatulan ng Baguio RTC ng kamatayan matapos na mapatunayang guilty sa kasong panggagahasa.

Samantala, ang magkakamag-anak na convicted murderers na sina Oscar Ibao, Warlito Ibao at Roche Ibao ay iniutos ng Tayug, Pangasinan RTC na magkakasabay na bitayin sa Pebero 22.

Panghuli sa listahan ay si Eddie Semedilla na may kasong rape na itinakda ng korte ng San Carlos City, Pangasinan na bitayin sa Peb. 25. (Ulat ni Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALEJO MIASCO

CAMILO SORIANO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDDIE SEMEDILLA

JEFFREY GARCIA

JUAN MANALO

LUDY BERMUDO

NEW BILIBID PRISONS

PEB

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with