^

Bansa

Pacquiao nanapak sa party

-
Nahaharap na naman sa panibagong kontrobersiya si World Featherweight boxing champion Manny Pacquiao matapos manuntok ng isang lalaki na umano’y nambato ng bote habang nagsasayaw ang misis nito sa dinaluhang birthday party sa General Santos City, kahapon ng madaling araw.

Base sa report na tinanggap kahapon ni PNP Chief P/Director Gen. Hermogenes Ebdane Jr., nangyari ang insidente dakong ala-una ng madaling araw sa Brgy. Labangan ng naturang lungsod.

Nabatid na naimbitahan lamang si Manny at asawang si Jinky sa birthday ng kaibigang si Teodora Ceta sa nasabing lugar.

Habang nagsasayaw umano ang birthday celebrant at si Jinky ay dumating sa nasabing okasyon ang suspek na si Reggie Teves na umano’y nakainom na at naghagis ng bote sa gitna ng sayawan.

Dahil dito ay muntik na raw tamaan ng nabasag na bote ang asawa ni Manny at ang may kaarawan na nagbunsod naman para mapaiyak si Jinky.

Hindi umano matiis ni Manny na makita ang minamahal na kabiyak na napaiyak sa pangyayari kaya’t agad nitong sinugod at inupakan ng suntok si Teves.

Sa lakas ng suntok ni Pacquiao ay halos tumirik ang mata at napasadsad sa matinding sakit si Teves na may ilang minuto ring namilipit sa kamao na tumama sa kanya.

Nang mahimasmasan ay inamin nito na isa siya sa mga tagahanga ni Pacquiao, subalit dahil sa pangyayari ay nagwala naman ang mga fans ni Pacquiao at sinugod saka pinaggugulpi rin si Teves bago tuluyang itinurn-over sa mga pulis.

Gayunman, sa halip na dalhin sa presinto ay isinugod sa ospital si Teves matapos umanong mawalan ng malay. Ayon pa sa mga pulis, sa tindi ng tinamo nitong bugbog ay posibleng ito’y ma-comatose.

Si Pacquiao ay minsan ng nasangkot sa kontrobersiya sa isang beerhouse sa nasabing lungsod matapos itong manuntok ng guwardiya at magwala bago pa man ganapin ang laban nito kay Mexican Marco Antonio Barrera sa San Antonio, Texas noong nakalipas na buwan ng Nobyembre.

Magugunita na pinahanga ni Pacquiao ang buong mundo matapos na agawin ang korona kontra Barrera. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CHIEF P

DIRECTOR GEN

GENERAL SANTOS CITY

HERMOGENES EBDANE JR.

JINKY

JOY CANTOS

MEXICAN MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

TEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with