Pugot-ulo sa drug lords
July 3, 2003 | 12:00am
Pugutan na ng ulo ang mga drug lords at operators ng droga!
Ito ang nakasaad sa panukalang batas na inihain kahapon ni Iloilo Rep. Augusto "Boboy" Syjuco na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Syjuco, kailangan ang isang marahas na parusa upang maging malinaw na leksiyon sa publiko ang pagpatay sa mga drug lords sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo.
Ayon sa statistics ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 13 na ang transnational drug syndicates at 175 lokal na drug syndicates ang may operasyon sa Pilipinas.
Nasa 45,000 naman ang mga drug pusher na responsable sa kabuuang 3.4 milyon na drug users.
Sinabi pa ni Syjuco na kailangan nang maamyendahan ang batas na magpapataw ng parusa sa mga drug lords dahil 65% hanggang 70% ng kabuuang krimen sa bansa ay konektado sa paggamit ng illegal na droga.
Nauna rito, ipinanukala ni Sen. Robert Barbers na patayin sa pamamagitan ng firing squad ang mga drug lord na hindi naman inayunan ng Malacañang.
Magugunitang si Syjuco din ang nagpanukala na putulan ng paa at mga kamay ang mga kidnappers sa kasagsagan ng kidnapping.
Nilinaw ni Syjuco na kung hindi magsasagawa ng marahas na hakbang ang gobyerno hinggil sa mga drug lords at iba pang nagpapatakbo ng illegal na droga ay hindi masusugpo ang nasabing problema.(Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended