Website ng Senado na-hack
MANILA, Philippines — Nagkaroon ng hindi awtorisadong pagbabago o defacement sa website by Senado nitong Huwebes. Kinumpirma ng Electronic Data Processing-Management Information Systems (EDP-MIS) ng Senado na may nakialam sa website kaya nagkaroon ng “unauthorized modification”. “We would like to inform the public that the Senate website was recently subjected to an unauthorized modification, commonly referred to as a website defacement,” anang EDP-MIS sa inilabas na statement.
Agad na nagsagawa ng kinakailangang security protocols at tiningnan ang cause at extent ng hindi awtorisadong aktibidad. Ayon sa EDP-MIS nagdagdag na sila ng security measures para maiwasan ang kahalintulad na aktibidad sa hinaharap. Base sa intial assessment, wala namang indikasyon na na-compromised ang ang mga confidential at sensitive informations ng Senado.
Ang website ay naglalaman ng mga “publicly available documents at informational materials” para sa publiko. Tiniyak ng EDP-MIS na top priority nila ang pagbibigay bg proteksiyon sa integridad at ‘availability’ ng kanilang sistema. Tiniyak din ang pagbibigay ng update sa sitwasyon.
- Latest
















