^

Bansa

'SARS sa Pinas hindi grabe'

-
Iaapela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa World Health Organization ang pagkakabilang ng Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na naging dahilan kaya nagkaroon ng mga travel advisory sa Pilipinas ang ibang mga bansa.

Sinabi ni DFA Undersecretary Jose Brillantes na ibinilang ng WHO ang RP sa mga may problema sa SARS kaya ipinagbawal ng Taiwan, Kuwait, Lebanon at United Arab Emirates, ang pagpasok ng mga Pilipino sa kanilang bansa. Gayundin ang travel advisory ng Singapore at Japan sa pagbisita ng kanilang mamamayan sa Pilipinas sa takot na mahawa sa SARS.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, nakikita naman ng mundo na hindi grabe ang sitwasyon sa bansa at ang SARS committee ay nagsasagawa ng hakbang para masugpo ang paglaganap ng SARS.

Dahil dito, pinag-aaralan na ng SARS committee kung magpapatupad din ang Pilipinas ng travel ban sa mga bansang mas malala ang problema sa SARS kumpara sa bansa.

Ang Pilipinas ay mayroong 10 kaso ng SARS at dalawa na ang naitalang nasawi. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG PILIPINAS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

LILIA TOLENTINO

PILIPINAS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

SARS

SEVERE ACUTE RESPIRATORY SYNDROME

UNDERSECRETARY JOSE BRILLANTES

UNITED ARAB EMIRATES

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with