^

Bansa

Pari na sangkot sa sex scandal nahaharap sa pag-aresto

-
Nahaharap sa panibagong problema ang isang pari na nasangkot kamakailan sa sex scandal matapos na posibleng arestuhin ito dahil sa patuloy nitong pagbabalewala at hindi pagdalo sa mga pagdinig sa kasong malicious mischief na isinampa ng isang kumpanya laban sa kanya may anim na taon ang nakakalipas sa Makati City.

Nabatid na nabigo si dating Antipolo bishop Crisostomo Yalung na humarap sa pormal na pagdinig sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya ng Limitless Potentials Inc., isang advertising firm nitong Marso 3 sa Makati Municipal Trial Court. Ang pagdinig ay muling itinakda ni Judge Evelyn Archayan-Chua ng Branch 63 sa Marso 14 matapos na ang abogado ni Yalung ay humingi ng 10 araw na palugit upang makapaghanda ang kanyang kliyente sa kanyang counter-affidavits.

Plano naman ni Atty. Rex Rico, tumatayong counsel ng nasabing firm na hilingin sa korte na arestuhin si Yalung kung hindi ito sisipot sa itinakdang araw na pagdinig. Posible umanong nasa Estados Unidos si Yalung upang pagtakpan ang Roman Catholic church sa kontrobersyang kinasasangkutan nito hinggil sa umano’y pagkakaroon nito ng dalawang anak sa isang parishioner. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

CRISOSTOMO YALUNG

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

JUDGE EVELYN ARCHAYAN-CHUA

LIMITLESS POTENTIALS INC

MAKATI CITY

MAKATI MUNICIPAL TRIAL COURT

MARSO

REX RICO

ROMAN CATHOLIC

YALUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with