^

Bansa

Legitimate drug test firm, umalma

-
Kinuwestiyon kahapon ng iba’t ibang legitimate drug testing firm sa bansa ang pagkakapasok sa drug test oversight committee na pinamumunuan ng Senado at Kamara ng mga taong may pagmamay-ari ng drug testing firm.

Ayon sa mga nabanggit, kung hangad ng Senado at Kamara na maging malinis at matagumpay ang implementasyon ng drug test sa bansa at hindi mapaghinalaan na may kinikilingan, hindi anya dapat magpasok sa komite ng mga taong nagmamay-ari ng drug testing firm.

Partikular na pinuna ang pagkakatalaga ni Dr. Lito Cubelo sa komite na kasalukuyang operator-owner ng Mahogany drug testing office na nagbibigay ng drug test sa mga motorista.

Maaari umanong gamitin nito ang kapangyarihan ng komite upang paboran ang operasyon ng Mahogany na isang paglabag sa batas dahil sa conflict of interest nito.

Pati umano sistemang ipinatutupad ng Land Transportation Office (LTO) sa drug test ay pinakikialaman na rin ni umano Cubelo tulad ng implementasyon ng information technology (IT) program ng ahensiya. Ang IT ang nagtatanggal ng anomalya sa implementasyon ng drug test nationwide.

Ang Mahogany drug testing na pagmamay-ari ni Cubelo ay naging kontrobersiyal noong mga nagdaang mga taon ng magkaroon ng anomalya sa PNP drug testing.

Ang Mahogany din ay isa sa hanay ng mga drug testing firm sa bansa na may pinakamaraming branches na ipinasara ng LTO dahil sa pagkakaloob umano ng pekeng resulta ng drug test sa mga motorista tulad sa Cabuyao, Tayuman, Las Piñas at Cotabato.

Mahigit 50 drug testing firm ang blacklisted ngayon sa LTO dahil sa pag-iisyu ng fake drug test results.

vuukle comment

ANG MAHOGANY

CUBELO

DR. LITO CUBELO

DRUG

KAMARA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAS PI

SENADO

TESTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with