Ang pahayag ng Pangulo ay kanyang ginawa kagabi sa kanyang talumpati sa harapan ng Filipino community sa Hotel Mariners Court sa Tokyo, Japan.
Sinabi ng Pangulo na magsisilbing espesyal na kinatawan niya ang First Gentleman para asikasuhin ang mga kapakanan ng OFWs.
Nilinaw ng Pangulo na walang suweldo ang bagong puwesto ng kanyang kabiyak.
"Itinalaga kong sugo sa ating mga kababayan ang aking mahal na kabiyak na si Atty. Jose Miguel Arroyo. Kaya lang Mike, wala itong suweldo, ang bayad lang ay ang aking pagmamahal," sabi ng Pangulo.
Tiniyak rin ni GMA na lahat ng mga pangangailangan ng OFWs ay ginagawa ng pamahalaan para mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Sa panig naman ni FG, tinanggap niya ang posisyon at umaasa na hindi siya uulanin ng batikos sa bagong puwesto sa gobyerno dahil sa ito ay para lamang sa kapakanan ng mga OFWs. (Ulat ni Ely Saludar)