PDEA officials sinubpena ng DOJ
September 16, 2002 | 12:00am
Nagpalabas kahapon ng subpena ang Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng Quezon City Prosecutor's Office laban sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa akusasyong "hulidap" sa mga ito ng dating abugado ng pamilya Marcos.
Sa isang pahinang subpena ay inatasan sina PDEA Undesecretary Anselmo Avenido Jr., Supt. Evna Ruiz, Chief Inspector Romualdo Iglesia at PO1 Anjo Villanueva na humarap sa isasagawang preliminary investigation sa darating na Sept. 24 at 27 upang magbigay ng kanilang depensa sa akusasyong libelo, fabrication of complaint, unlawful arrest, arbitrary detention at violation of public code of ethics and human rights na inihain ni Atty. Oliver Lozano.
Sinabi ni Atty. Lozano,walang basehan ang ikinaso sa kanyang corruption of public officials ng PDEA dahil ito umano ay isang frame up.
Idinagdag pa ng dating abugado ng pamilya Marcos, gusto lamang sirain ng mga pulis ang kanyang reputasyon at pangalan para bitawan ang hinawakan nitong kaso ng kanyang kliyente na nahuli ng PDEA. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended