^

Bansa

100 kilo ng shabu nasabat sa Subic

-
SUBIC BAY FREEPORT - Sinalakay kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Narcotics Group, Philipine Coast Guard at Bureau of Customs ang isang malaking warehouse sa Naval Supply Depot dito matapos na makatanggap ng isang tip na may bultu-bultong kilo ng shabu na tinatayang tumitimbang nang 100 kilo ang ibinagsak sa naturang freeport.

Sa inisyal na report na nakuha kay Narcom Director Gen. Efren Fernandez, dakong alas-3:30 ng hapon ng isagawa ang pagsalakay ng mga awtoridad sa naturang bodega kung saan tinambak umano ang 100 kilo ng shabu na inihalo sa ibang kargamento tulad ng mga sigarilyo.

Lulan umano ng dalawang fishing vessels ang mga kontrabando na ipinasok sa warehouse no.1026 ng NSD. Dito napag-alaman na naka-consigne ang mga kargamento sa kumpanyang Everich.

Ginagalugad ng mga awtoridad kasama ang dalawang drug sniffing dog ng Narcom ang naturang warehouse kung saan ay may nakitang mga "trace" ng naturang droga at ng makalanghap umano ang dalawang sniffing dog ay bigla umanong nagsuka ang mga ito.

Hinihinala na ginagamit umanong bagsakan ng droga ang nasabing lugar, pero agad itong pinabulaanan ng mga opisyal dito at di anya nila pinapayagan ang ganitong modus operandi.

Tatlo sa 14 na mga suspek ang inaresto at kasalukuyang isinasailalim sa masusing imbestigasyon. (Jeff Tombado)

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

DITO

EFREN FERNANDEZ

GINAGALUGAD

JEFF TOMBADO

NARCOM DIRECTOR GEN

NARCOTICS GROUP

NAVAL SUPPLY DEPOT

PHILIPINE COAST GUARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with