^

Bansa

Garchitorena nakahanap ng kakampi

-
Nakahanap ng kakampi si Sandiganbayan Presiding Justice Francis Garchitorena sa mga akusasyon nito laban kay Justice Anacleto Badoy matapos na suportahan at patotohanan kahapon nang nasa 115 empleyado ng Sandiganbayan ang nilalaman ng sulat ng una na nagsasaad na laging huli kung pumasok sa kanyang opisina si Badoy at pala-absent rin umano ito.

Sa ipinalabas na pahayag ng Sandiganbayan Employees Association (SEA), inamin ng mga lumagdang empleyado na sa ngayon ay nahaharap sa isang malaki at masakit na dagok ang Sandiganbayan dahil sa nangyayaring awayan sa pagitan nina Garchitorena at Badoy pero lubos anya ang kanilang suporta sa krusada ni Garchitorena para sa pakikipaglaban at pagsisiwalat ng mga katotohanan.

Nagdesisyon ang samahan na magpalabas ng kanilang pahayag dahil na rin sa umano’y batuhan ng putik ng magkabilang panig na kumakaladkad sa institusyon. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

BADOY

GARCHITORENA

JUSTICE ANACLETO BADOY

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NAGDESISYON

NAKAHANAP

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN EMPLOYEES ASSOCIATION

SANDIGANBAYAN PRESIDING JUSTICE FRANCIS GARCHITORENA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with