Mister ni Nida suspek!
November 10, 2001 | 12:00am
Matapos na lumutang ang anggulo na "murder for insurance," isinama na rin ng PNP ang asawa ni Nida Blanca na si Rod Lauren Strunck sa mga suspek na posibleng may kinalaman sa brutal na pagpaslang sa aktres.
"Lahat suspek," mariing pahayag ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief, Director Nestorio Gualberto. "Everybody is a suspect here, were digging deeper into the case."
Ayon kay Gualberto, head ng Task Force Marsha, lahat ng anggulo ay masusi nilang tinitingnan sa kaso ni Nida at maging mga mahal nito sa buhay kabilang ang asawa nito, malalapit na kaibigan at kasama sa trabaho ay mga suspek sa kaso.
Umiwas naman ang National Bureau of Investigation na ungkatin ang anggulong murder for insurance dahil hindi umano magandang pag-isipan ng masama ang mga kamag-anak at naulila ng yumaong aktres.
Nabatid na maging ang mga personal na pag-aari ni Blanca katulad ng bahay nito sa White Plains, insurance at iba pa ay masusi na ring pinag-aaralan ngayon ng task force. Lumitaw ang anggulong insurance dahil na rin sa isang dayuhan ang asawa ni Blanca.
Masusi ring sinisilip ng Task Force Marsha ang kumalat sa website mula sa umanoy isang di nagpakilalang kaibigan ni Blanca na nagtuturo kay Strunck na umanoy siyang killer ng aktres.
Ayon sa kumalat sa website, isa umanong "gambler" o sugarol si Strunck at halos ay nakadepende na ito kay Nida na nagsilbi umanong martir sa kanilang pagsasama.
Napag-alaman pa na naihinga ni Blanca sa dalawang kaibigan sa showbiz na sina Delia Razon at Caridad Sanchez ang tila hindi nila pagkakaunawaan ni Rod matapos maisalin nang lahat sa pangalan ng kanyang nag-iisang anak na si Katherine ang mga ari-arian nito.
Umuungot umano si Rod na bigyan siya ng bahagi ng kayamanan o kayay isalin ang ilang naipangalan na kay Katherine sa pangalan ni Rod, bagay na ayaw gawin ni Nida.
May duda ang ilang nagsidalo sa lamay ng aktres na posible umanong pinilit ang biktima na pumirma sa isang dokumento na nauwi sa panlalaban nito na humantong sa malagim nitong kamatayan.
Handa namang tumayong testigo ang ilang kasamahan ni Blanca sa industriya at isa na rito ang premyadong scriptwriter na si Racquel Villavicencio na nagsabing laging magkatabi ang kotse nila sa parking area ng Atlanta sa tuwing mayroon silang review, pero nagulat si Villavicencio nang mapanood niya sa telebisyon na nasa isang sulok na ang kotse ni Nida gayong sabay halos nilang iniwan ito sa iisang lugar.
Ayon pa sa isang impormante na kilalang malapit sa aktres, nakita umano ng mga guwardiya sa Atlanta Centre ang asawa ng aktres kasama ang assistant nito na nakilala lamang sa pangalang Elena bandang alas-11 ng gabi noong Lunes.
Sinabi ng source na hinahanap umano ng dalawa ang aktres sa mismong parking ng gusali at bagaman nakita ng mga ito ang kotse ng aktres ay hindi umano ito pinuntahan at hindi rin sinubukang buksan.
Makalipas ang dalawang oras ay bumalik sa Atlanta ang asawa ng aktres na nag-iisa na at umalis na rin ito mag-isa.
Kasabay nito, dalawang amiga ni Nida, isang babae at isang lalaki ang ipinatawag ng Task Force Marsha para magbigay linaw sa isinasagawang imbestigasyon.
Si Nida ay natagpuang tadtad ng saksak sa parking area sa 6th floor ng Atlanta Tower sa Greenhills, San Juan.
Samantala, iniurong ang takdang cremation ni Blanca bukas matapos na muling maantala ang pag-uwi sa bansa ng kanyang anak. (Ulat nina Joy Cantos,Ellen Fernando at Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest