^

Bansa

10 empleyado ng BOC, sinibak

-
Sampung kagawad ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Manila ang sinibak sa kanilang mga tungkulin matapos na matuklasan na sangkot ang mga ito sa isang multi-milyong anomalya sa pagbabayad ng buwis sa mga imported na mga mamahaling sasakyan.

Sinabi ni Customs Comm. Titus Villanueva na ilan sa mga imported na sasakyan ay ginamitan ng mga "tampered import entries" at pekeng dokumento para palabasin na ang mga ito ay pawang mga lumang modelo na.

Binabaklas din ang mga "discrepancy reports" sa mga nasabing sasakyan para lang makaiwas ang importer sa pagbabayad ng kaukulang buwis na tinatayang umaabot sa milyong halaga na sa halip mapunta sa kaban ng bayan ay naibubulsa ng mga tiwaling empleyado.

Kaya naman ipinababawi ni Villanueva ang mahigit na 400 imported na sasakyan tulad ng Pregio, Starex, Besta at Grace na nauna ng nailabas upang magsagawa ng panibagong assesment na umaabot sa P30 milyong piso ang naibulsa. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

BESTA

BINABAKLAS

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CUSTOMS COMM

KAYA

PORT OF MANILA

PREGIO

TITUS VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with