Pagbawi sa FM wealth pinag-ibayo

Inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Presidential Commission on Good Government na doblehin ang pagsisikap na mabawi ang umano’y mga nakaw na yaman ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at cronies nito.

Sa pakikipagpulong kay PCGG Commissioner at officer-in-charge Jorge Sarmiento, nabatid ng Pangulo na sinisiyasat na ng ahensya ang napaulat na $13.2 bilyong account ni Irene Marcos Araneta sa banko ng Switzerland na tinangka umanong ilipat sa isang bangko sa Germany.

Mula noong 1986, nabawi ng PCGG ang kabuuang P79 bilyong cash at escrow account at naipagkaloob sa Department of Agrarian Reform ang 3,652 ektaryang lupain ng mga Marcos at cronies ng mga ito. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments