Taumbayan higit ang tiwala kay Davide
December 18, 2000 | 12:00am
Patuloy ang pagtaas ng kredibilidad ni Chief Justice Hilario Davide bilang president officer sa paglilitis ng Senado sa kasong impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada at higit ang tiwala sa kanya ng taumbayan.
Sa survey na ginawa ng Pulse Asia, tumaas sa 49 percent hanggang noong Disyembre 15 ang kredibilidad ni Davide mula sa dating 40 percent noong Disyembre 7 at 27 percent noong Nobyembre 16.
"Higit na ipinahihiwatig dito na, sa pananaw ng publiko, mapagkakatiwalaan at patas bilang manedyer ng paglilitis si Davide," sabi kamakalawa ni Pulse Asia President Felipe Miranda.
Bumaba naman sa 51 percent mula sa dating 60 percent noong Disyembre 10 ang tiwala ng mga respondent sa mga senador bilang juror.
Nagkaroon naman ng tig-30 percent trust rating sina dating Pangulong Corazon Aquino at Chief Prosecutor Rep. Feliciano Belmonte. Hindi nagbabago ang rating ni Aquino mula nang magsimula ang paglilitis at tumaas ito sa 31 percent noong Disyembre 14. Nagpamalas naman si Belmonte ng 29 percent trust rating noong Disyembre 7 at tumaas ito ng isang porsiyento hanggang noong Disyembre 15.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest