Mary Grace Piattos, dapat iprisinta sa impeachment court - Solon
MANILA, Philippines — Dapat maprisinta ng defense team ni Vice President Sara Duterte si Mary Grace Piattos, kaugnay ng recipient ng kinukuwestiyong P612.45 milyong confidential funds.
Ito ang sinabi ni House trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong dahil sa inaabangan na ng mga Pilipino ang paliwanag ng Bise Presidente sa nakatakdang pagdinig sa Senate impeachment court na pinaghahandaan ng prosecution team ng Kamara sa pre-trial conference sa Hunyo 18.
Sa pre-trial conference ang magkabilang panig ay inaasahang tutukuyin ang mga ebidensya, testigo para sa pamantayan ng paglilitis alinsunod sa proseso ng Senate Impeachment Court.
Inihayag ni Adiong na kung may ilalabas ang defense panel na Mary Grace Piattos ay dapat ng mga itong iharap ito sa Senate Impeachment Court.
Ang kontrobersyal na pangalang Mary Grace Piattos na pinaghalong cake shop at sitsirya ay una nang lumutang sa naunang impeachment noong ika-19th Congress laban kay VP Sara bagaman hindi ito umusad sa Senate Impeachment Court matapos na ideklara ng Korte Suprema na may paglabag ito sa 1 year bar rule.
- Latest



















