DongYan, may bagong family bonding!

Sa kabila ng pagiging busy ni Marian Rivera sa kanyang showbiz career, ang oras para sa kanyang pamilya ang kailanman ay hindi niya pwedeng isakripisyo.
Noon pa ay lagi niya talagang sinasabi na priority niya ang kanyang pamilya more than anything else in this world.
At pinupuri rin naman talaga ng lahat ang kanyang pagiging hands-on mom and wife. “Mukha lang mahirap pero kapag alam mo kung anong priorities mo sa buhay, magiging maayos at naka-plan siya talaga lahat. Ako, priority ko talaga is maging nanay at maging asawa kay Dong (Dingdong Dantes). Siguro after noon, sumusunod na lamang ang mga iba-iba kong mga ginagawa,” sey ng akres sa panayam ng ABS-CBN.
Ikinuwento nga rin ni Marian na lately ay may bago silang family bonding at ito ay ang paglalaro ng badminton. “Kagabi nag-badminton kami kasi sa school parang nawili ‘yung mga bata na may badminton doon. And then, sabi ni Sixto sa akin, ‘mama parang it’s about time, we need to buy badminton racket so we can play.’ Sabi ko sige, good idea. So kagabi, nag-badminton kami bago kami matulog,” tsika niya.
Muli ay nagpasalamat ang aktres sa kumpletong pamilyang mayroon siya ngayon kasama ang mister na si Dingdong Dantes at mga anak na sina Zia at Sixto. “Ako palagi ko sinasabi na sobrang thankful ako sa nangyayari sa buhay ko. The mere fact na mayroon akong pamilya, may Dong, Sixto, and Zia, kumpleto ‘yung buhay ko. Siguro kung anong dadating pa, ay bonus na lang sa buhay ko ‘yun,” saad ni Marian.
Ashley, mas prayoridad ang goals!
Masaya ang puso ng Kapuso actress na si Ashley Ortega dahil going strong ang relasyon nila ni Mavy Legaspi. In fact, nakatakda silang mag-celebrate ng second anniversary ngayong Oct. 27.
Ayon sa dalaga, may nakaplano na silang simpleng celebration para sa kanilang special day. Hindi man ito bonggang selebrasyon, mas mahalaga raw ang pagkakataong makapag-bonding silang dalawa. “Meron na siyang (Mavy) plinano, pero dinner lang naman, hindi naman kailangang sobrang bongga,” kuwento ng aktres sa panayam sa Kalurks.
Dagdag pa niya, “I’m just happy na ang tagal na pala namin. Two years na rin palang nakalipas. So, going strong and I’m happy and yeah, we’re good,” sey ni Ashley.
Hindi rin naiwasang matanong ang aktres kung napag-uusapan na ba nila ni Mavy ang pagpapakasal. Pag-amin niya, wala pa raw silang konkretong plano tungkol dito dahil pareho pa nilang gustong mag-focus sa kani-kanilang career.
Pagbabahagi ni Ashley, noong nanliligaw pa lamang sa kanya si Mavy, naging honest na siya tungkol sa kung ano ang hinahanap niya sa isang relationship. “I’m not getting any younger, what I want in a partner, in a relationship, is ‘yung pang-long term na, hopefully,” paliwanag niya.
Gayunman, hindi pa raw nila pinag-uusapan kung kailan sila magse-settle down dahil marami pa silang gustong ma-achieve, lalo na si Mavy na mas marami pang pangarap na gustong tuparin sa kanyang career.
Si Ashley naman ay patuloy ring naghahanda para sa kanyang future goals, kabilang na ang bago niyang venture sa pagnenegosyo pero hindi naman niya itinago na umaasa siyang si Mavy na ang lalaking makakasama niya for a lifetime.
Aminado ang aktres na ipinagdarasal niyang mag-work out ang kanilang relasyon hanggang sa huli. “Sinabi ko naman sa kanya na of course, if sana. Ipinagdarasal ko rin na siyempre, gusto ko na ‘yung partner ko ngayon, which is si Mavy, na ‘yun na sana,” pahayag ni Ashley.
Pabirong dagdag pa niya, mahirap din daw ang magsimula ulit sa isang bagong relationship matapos ang lahat ng pinagdaanan at nabuo nilang samahan.
- Latest






















