^

Police Metro

LTO inireklamo ang delay ng rehistro at pag-isyu ng drivers license

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Libu-libong motorista at drivers license holders ang nagreklamo sa Digital Pinoys at Visor hinggil sa umanoy pag-offline at delay ng rehistro ng mga sasakyan at pagkuha ng drivers license sa Land Transportation Office (LTO) sa iba’t ibang panig ng bansa partikular sa Metro Manila.

Ayon kay Ronald Gustilo ng Digital Pinoys, batay sa mga reklamo ng mga motorista na halos isang araw o kaya ay pinababalik ang mga aplikante ng drivers license at magrerehistro ng sasakyan dahil sa sobrang delay o minsan ay offline ang LTO system kayat walang gaanong transaksyon sa ahensiya.

Sinasabing ang pag-offline at sobrang delays ng LTO system ay dulot ng hindi pag-turn over ng Dermalog, ang dating LTO IT provider, ng source code sa ahensiya dahilan upang hindi makapag maintenance ang LTO sa system dahil kulang ang access nito. Noong May 2026 natapos na ang kontrata ng Dermalog sa LTO.

Aniya, partikular na hindi nagagamit ng mga applicant ang online application portal ng LTO dahil sa source outage.

DRIVERS LICENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with