^

Police Metro

Mag-photocopy, xerox at printing ng pera, kulong ng 10-taon!

Ludy Bermudo - Pang-masa

Babala ng BSP

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang pag-iimprenta, photocopy, at pamamahagi ng pisikal o digital facsimile ng local currency ng Pilipinas ay mahigpit na ipinagbabawal at may katapat na parusang kulong ng hanggang 10 taon.

Inihayag ng BSP nitong Sabado, Hulyo 11, na ang integridad ng pera at pagbabawal sa reproduction nito matapos ang legal na debate sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na nagdulot ng mga serye ng viral meme tungkol sa pamemeke.

Ang babala ay nag-ugat sa paggamit ng social media user na sa courtroom evidentiary rule sa physical currency, pabiro na nagmumungkahi na ang mga nakopyang perang papel ay maituturing na “original” na maaaring gastusin o ipambili ng goods.

Ayon sa BSP, ang kaakibat na sentensya sa nasabing gawain ay kulong ng mula 5-10 taon, alinsunod sa BSP Circular No. 829, Series of 2014.

Binanggit ng BSP na ang regulasyon ay pantay na naaangkop sa lahat ng replikasyon, maging ito man ay gawa sa kulay, itim at puti, o anumang kombinasyon ng mga tone.

Hinimok din ng BSP ang publiko na ireport sa kanilang tanggapan o sa law enforcement agencies ang hindi awtorisadong imprenta o kahina-hina­lang paghawak ng mga disenyo ng perang papel ng Pilipinas.

FAKE MONEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with