^

Balita Ngayon

Vic Sotto kay Wally: Mag-sorry muna bago bumalik

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala namang problema sa komedyante at host Vic Sotto na bumalik sa longest running noontime show na "Eat Bulaga" si Wally Bayola.

Pero sinabi ni "Bossing" na kailangan muna niyang humingi ng kapatawaran sa mga Pilipino sa pamamagitan ng public apology.

Dagdag ng beteranong aktor na nagkamali lamang si Wally at alam niyang mapapatawad naman siya ng publiko.

“For me kasi, personally okay lang naman but he has to apologize,” banggit ni Bossing.

“I think people will understand. Alam mo naman, mapagpatawad ang Filipino,” dagdag niya.

Naging laman ng balita at social media si Wally matapos kumalat ang sex video niya kasama si EB Babe dancer Yosh Rivera.

Nawala sa Eat Bulaga si Wally maging sa gameshow ng GMA7 na "Celebrity Bluff."

Samantala, ikinuwento ng partner ni Wally na si Jose Manalo na nagkasama sila sa isang show sa Olongapo City.

Sinabi ni Jose na mainit siyang tinanggap ng mga tao sa kabila ng nagawang pagkakamali.

“Contract niya kay Ma'am Malou [Choa-Fagar, his manager]. Kailangan umattend siya dun sa concert,” kuwento ni Jose.

"Binigyan kami ng award tapos bigla si Wally nagsalita na, 'maraming salamat sa muli n'yong pagtanggap sa akin,” sabi pa ni Jose.

“So nung sinabi 'yon, sinapo ko na siya, ako na yung nagsalita nang nagsalita sa kanya, humingi ng sorry sa tao na hindi naman kasalanan, tao lang,” dagdag niya.

Ikinataba rin ng kanilang puso nang magpalakpakan ang mga tao at ang iba ay nagsasabing sinusuportahan pa rin sila.

Pero kahit nasasabing pinatawad na ng iba si Wally, hindi pa rin siya mapapanood sa telebisyon dahil nais pa rin niyang magpahinga.

vuukle comment

CELEBRITY BLUFF

EAT BULAGA

JOSE MANALO

OLONGAPO CITY

PERO

VIC SOTTO

WALLY

WALLY BAYOLA

YOSH RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with