^

Balita Ngayon

Amy Perez, nagsalita na ukol sa pag-alis sa TV5

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mas pinili na lamang ni Amy Perez ang "peace of mind" kaysa sa financial gain kaya umalis ito sa TV5.

Binasag ni Amy ang kanyang katahimikan at isinawalat ang tunay na rason kung bakit niya iniwan ang Kapatid network.

Sinabi pa ng dating “Face To Face” TV host na nagbitiw siya dahil ayaw niyang sinisiraan siya.

“What happened really ay gusto nila mag-taping ng four episodes a day, at sinabi ko lang naman na di ko pa kaya since kakapanganak ko pa lang at first time ko na-CS [caesarean],” paliwanag ni Amy sa entertainment website na Philippine Entertainment Portal.

"After nun, nagparinig na sa FB [Facebook]. Ano naman ang laban ko dun? Kaya nag-resign na lang ako kasi di ko na kaya ang ganung betrayal,” dagdag niya.

Hindi naman pinangalanan ni Amy kung sino ang kanyang tinutukoy at sinabing: “Mas pinili ko ang peace of mind kesa kumita ako.”

Naging bitter ang TV host dahil parang nabalewala ang kanilang pinagsamahan at siya pa aniya ang pinalabas na masama.

“Ako pa ginawa nilang masama after all ng mga paghihirap namin together noong nagsisimula pa lang ang show na iyan. Pero ganun siguro, hanggang dun na lang ako,” sabi ni Amy.

“At the end of the day, alam mo yung pag di ka na masaya, talagang mas pipiliin mo ang peace of mind kesa financial gain,” dagdag niya. "Kaya ako na lang umiwas para na rin happy lahat.”

Nakatakda sanang maghost ng “Face the People” si Amy kasama si Gelli de Belen.

Pero kahit iniwan ni Amy ang TV5 ay hindi naman nasira ang pagsasamahan nila ng network.

“Even our president, Sir Noel [Lorenzana], naunawaan niya how hurt I was sa nangyari. Kaya sabi niya, it's also a good time for me to heal,” kwento ni Amy.

“Di natin masasabi, malay mo, after three years, Kapatid ulit ako,” dagdag niya.

Sinabi pa ni Amy na okay din naman ang pagpapalam niya sa iba pang big boss ng TV5 dahil alam nila aniya ang totoong nangyari.

"Kaya maayos kami naghiwalay nila Sir Noel, Ma'am Wilma [Galvante], Ma'am Luchi [Cruz-Valdes], at ni Sir Perci [Intalan] at sir Bob [Barreiro]... alam ang totoong nangyari,” paliwanag ng host. “Too much lang yung pain and hurt ko, felt so betrayed.”

Kinumpirma rin niyang balik Kapamilya network siya upang maghost ng “The Singing Bee” kasama si Roderick Paulate.

vuukle comment

AMY

AMY PEREZ

FACE THE PEOPLE

FACE TO FACE

KAPATID

KAYA

LANG

NIYA

SIR NOEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with