^

Balita Ngayon

6 na patay sa Zambo clash, 3 brgy sinakop ng MNLF

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Anim na ang kumpirmadong nasawi sa paglusob ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa ilang barangay sa Zamboanga City ngayong Lunes.

Sinabi ni Zamboanga City Mayor Ma. Isabelle Climaco-Salazar na kabilang sa mga nasawi ay tauhan ng isang Philippine Navy, isang pulis at apat na sibilyan. Umanot na rin sa 24 katao ang nasusugatan mula nang manggulo ang mga rebelde bandang 4:30 ng umaga.

Ayon kay military spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, nakaengkwentro ng Philippine Navy ang may 100 miyembro ng MNLF sa karagatan ng Barangay Rio Hondo.

Matapos makipagbakbakan ay nilusob ng MNLF, sa pamumuno ni Haber Malik, ang mga barangay ng Sta. Barbara at Lustre.

200 bihag

Sinabi ni Climaco na tatlong lamang sa 98 nilang barangay sa kanilang lungsod ang apektado ng panggugulo ng mga rebelde at ito ay ang Sta. Catalina, Sta. Barbara, at Talon-talon.

Dagdag niya na 200 katao ang binihag ng mga rebelde sa Kasanyangan at 20 sa Barangay Sta. Catalina.

"We are in close coordination with our police and military authorities and everything is being done to solve the crisis the soonest possible time with minimal damage to lives and properties,"pahayag ni Climaco.

Nagdulot ng takot sa lugar ang kaguluhan kaya naman kinansela ng lokal na pamahalaan ang mga pasok sa eskwelahan at trabaho, habang nagsuspinde na rin ng biyahe ang mga eroplano patungo sa Zamboanga.

Kaugnay na balita: 1 patay sa Zambo clash, klase at trabaho suspendido

Samantala, pinabulaanan naman ng MNLF ang mga balitang nakaengkwentro nila ang Philippine Navy at tumangay sila ng mga bihag.

Kaugnay na balita:MNLF tumangging pasimuno sa gulo sa Zambo

Hiwalay na grupo

Nilinaw naman ni ng dating Cotabato City vice mayor Muslimin Sema na hiwalay na grupo ng MNLF ang sumugod sa Zamboanga.

Sinabi ni Sema na pinapahalagahan pa rin ng kanilang grupo ang usaping pangkapayapaan nila ng gobyerno na nilagdaan noong 1996.

“We continue to stand our commitment by the government-MNLF 1996 final peace agreement as we would also like to stress that we have nothing to do with the attack in Zamboanga launched by our comrades loyal to Chairman Nur,” pahayag ni Sema, pinuno ng MNLF Executive Council of 15 (EC15) secretariat.

vuukle comment

BARANGAY RIO HONDO

BARANGAY STA

CHAIRMAN NUR

CLIMACO

MNLF

PHILIPPINE NAVY

SINABI

ZAMBOANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with