^

Balita Ngayon

Publisher sa Pangasinan sugatan sa pananambang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Sugatan ang isang publisher ng isang lokal na pahayagan ngayong Martes ng umaga matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Jaime Aquino, publisher ng Northern Star.

Nagbabasa ng diyaryo sa waiting shed si Aquino nang pagbabarilin siya ng tatlong lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Nakatakbo si Aquino sa nakaparada niyang sasakyan 10 metro ang layo sa waiting shed habang pinapaputukan ng mga salarin.

Isinugod si Aquino sa Villaflor Doctors Provincial Hospital sa Dagupan City matapos itong tamaan sa likod.

Nahaharap si Aquino sa kasong murder kaugnay sa pagpaslang kay Infanta Mayor Ruperto Martinez noong Disyembre 2012. Kasama niya bilang akusado sina Pangasinan Gov. Amado Espino Jr. at Pangasinan Rep. Jesus Celeste.

vuukle comment

AMADO ESPINO JR.

AQUINO

DAGUPAN CITY

DISYEMBRE

INFANTA MAYOR RUPERTO MARTINEZ

JAIME AQUINO

JESUS CELESTE

NORTHERN STAR

PANGASINAN GOV

PANGASINAN REP

VILLAFLOR DOCTORS PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with