^

Balita Ngayon

Spurs taob sa Heat; 109-93

The Philippine Star

MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ngayong NBA Finals ay sabay-sabay nag-init ang “Big Three” ng defending champion Miami Heat upang patahimikin ang San Antonio Spurs, 109-93, sa kanilang home court na AT&T center.

Tumabo ng 33 points at 11 rebounds si four-time MVP LeBron James at 32 markers kay Dwyane Wade, habang double-double output din ang binuhos ni Chris Bosh sa kanyang 20 points at 13 boards para maitabla ang serye sa 2-2.

Nakabangon ang Miami mula sa bangunot na sinapit noong game three nang paulanan sila ng 16 na three points ng Spurs upang mabaon sila, 77-113.

Dahil sa panalong nakuha ng Miami ay siguradong babalik ang serye sa kanilang home court para sa game 6 at kung sakali ay game 7.

Muling magkikita ang dalawang tropa sa Lunes para sa krusyal na game 5 kung saan apat na panalo ang kailangan ng bawat koponan upang makuha ang titulo.

Tangka ng Spurs na angkinin ang panlimang kampeonato, habang pangatlo naman sa Heat na tatlong taong sunod na naglalaro sa Finals.

vuukle comment

BIG THREE

CHRIS BOSH

DAHIL

DWYANE WADE

GAME

MIAMI

MIAMI HEAT

NAKABANGON

SAN ANTONIO SPURS

TUMABO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with