^

Balita Ngayon

Batang babae pinugutan muna bago halayin ng magsasaka

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matinding kamunduhan bunsod ng katakawan sa panonood ng bastos na palabas ang nagtulak sa isang magsasaka na pugutan ng ulo at halayin ang isang 13-anyos na batang babae sa Bayog, Zamboanga del Sur.

Kinilala ni Inspector Gaspar Gadingan, hepe ng pulisya ng Bayog, nanonood pa ang suspek na si Alex Bulalo sa paghukay ng mga pulis sa bangkay ng batang si Mary Apple Entag nang maaresto ng mga awtoridad noong sabado ng umaga.

Ayon kay Gadingan, kahina-hinala ang ikinilos ni Bulalo nang mapansin ng mga pulis kaya kaagad siyang nilapitan at tinanong hinggil sa krimen.

Aniya, inamin din kaagad ni Bulalo na pinugutan muna niya ng ulo ang bata bago niya ito ginahasa at ibinaon sa isang liblib na bahagi ng Barangay Kahayagan.

Umamin si Bulalo na naganap ang krimen bandang 3 ng hapon noong Martes ng nakalipas na linggo.

Napaulat na nawawala si Entag noong Martes, matapos siyang utusan ng mga magulang na pumunta sa kapitbahay.

Ayon kay Gadingan, isang saksi ang nagsabi sa mga imbestigador na nakita niyang dinukot ang bata ng isang lalaking may talukbong sa ulo at armado ng isang bolo.

Nadiskubre ng mga residente ng lugar ang naaagnas nang bangkay ng bata matapos umasngaw ang amoy nito mula sa hukay na pinaglibingan sa kanya ni Bulalo.

Sinabi ni Gadingan na umamin ang suspek na mahilig siyang manood ng bastos na mga palabas at ito ang nagtulak sa kanya na dukutin ang halayin ang kawawang bata.

vuukle comment

ALEX BULALO

ANIYA

AYON

BARANGAY KAHAYAGAN

BAYOG

BULALO

GADINGAN

INSPECTOR GASPAR GADINGAN

MARY APPLE ENTAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with