Squad lider ng NPA, sumuko

MANILA, Philippines – Kusang-loob sumuko ang isang pinuno ng New People’s Army (NPA) sa mga pulis sa Misamis Occidental, ayon sa awtoridad ngayong Huwebes.

Ayon kay Senior Superintendent James Mejia, Zamboanga del Norte police provincial director, sumuko mag-isa ang 35-anyos na si Paterno Sagadrata Cantutay Jr. na kilala din sa palayaw na Ram at Jolie sa bayan ng Sapang Dalaga nitong Martes.

Pinuno si Cantutay ng Samahan Yunit Propaganda (SYP) ng NPA Front  noong 1989 na naka-base sa lungsod ng Malaybalay sa probinsya ng Bukidnon.

Boluntaryong sumuko si Cantutay upang linisin ang kanyang pangalan sa bagong pag-atake ng NPA sa plantasyon ng pinya ng DOLE Philippines kung saan  isang guwardiya ang nasawi.

Nais din ni Cantutay na kumuha ng ‘balik masa’ program ng gobyerno, sabi ng pulisya.

Show comments