^

Balita Ngayon

Teenager huli sa rape-slay ng 5-anyos na babae sa Kidapawan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 15-anyos na lalaki dahil sa pagpatay at umano'y panggagahasa sa isang 5-taong=gulang na babaeng anak ng pastor sa Kidapawan City.

Sinabi ng kapitan ng baranggay na si Edgar Gallamos, kokoronahan sana ang biktima bilang third-runner up sa Miss Valentine's Children's pageant ng kanilang daycare center noong Huwebes ng hapon.

Iniulat ng mga magulang ng biktima na nawawala ang bata noong Miyerkules ng hapon, dagdag ni Gallamos.

Natagpuan ng mga kapitbahay ang bangkay ng batang babae sa isang bakanteng lote sa Baranggay Manongol noong Miyerkules na ng gabi. May tama ang bata sa ulo na indikasyong pinalo siya ng matigas na bagay ng salarin.

Sinabi ni Superitendent Joseph Semillano, hepe ng Kidapawan City police, inaresto nila ang 15-anyos na lalaki na itinuturong nasa likod ng krimen.

“Because he is a minor, we cannot reveal his name. We’re now doing the documentation of the crime with the help of the Department of Social Welfare and Development,” ani Semillano.

May karapatan ang suspek na maprotektahan sangayon sa Anti-Juvenile Delinquency Act, dagdag ni Semillano.

Aniya, Umamin ang 15-anyos na suspek sa pagpatay sa biktima pero itinangging hinalay niya ang batang babae.

Hinihintay pang lumabas ang resulta ng medico-legal sa bata upang malaman kung minolestya nga ba ang biktima.

vuukle comment

ANTI-JUVENILE DELINQUENCY ACT

BARANGGAY MANONGOL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EDGAR GALLAMOS

KIDAPAWAN CITY

MISS VALENTINE

MIYERKULES

SEMILLANO

SINABI

SUPERITENDENT JOSEPH SEMILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with