^

Balita Ngayon

Halalan sa Basilan magiging payapa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Payapang halalan sa Basilan ang nakikita ng mga awtoridad sa susunod na taon dahil sa napahupa nang mga away-pulitika sa probinsya.

Sinabi ni Chief Superintendent Mario Yanga, hepe ng bagong buong Regional Special Operation Task Group (RSOTG) para sa halalan, ang pagkakaayos ng magkakaribal na mga pulitiko ang siyang magiging dahilan ng pagkakaroon ng mapayapang halalan sa probinsya.

Kaya napabilang ang Basilan sa 15 election hotspots dahil sa mataas na insidente ng karahasan kaugnay sa mga away-pulitika ng magkakatunggaling pamilya.

Ayon kay Yanga, patuloy ang pagsasagawa nila ng mga hakbang upang mabawasan ang tensyon sa probinsya.

Aniya, naging malaking tulong para sa kanila ang pagkakaayos sa magkaaway na pamilya nina Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Mujiv Hataman at Basilan Gov. Jum Akbar.

Lumagda ang mga lider ng mga angkan nina Hataman at Akbar sa isang peace covenant noong Oktubre kasabay ng deklarasyon na napagkaisahan na nilang sumapi sa iisang partido, ang Liberal Party ni Pangulong Aquino.

Tumaas ang tensyon sa pagitan ng Hataman at Akbar matapos mamatay ang dating kongresista na si Wahab Akbar sa pagsabog sa Batasan Pambansa noong 2007.

Pinawalang-sala ng korte si Hataman na naging hudyat para sa gobernador na lumapit sa kabilang partido upang makipag-ayos.

“Elections in Basilan will not be as tense compared before,” sabi ni Yanga.

Kabilang ang Basilan, gayundin ang mga probinysa ng Lanao del Norte, Lanao del Sur at Maguindanao sa 15 priority areas sa halalan 2013.

Sinabi ni Yanga na doble-kayod sila upang makamit ang mapayapang halalan sa probinsya dahil ito ang kagustuhan ng pangulo.

Bukod sa alitan ng pamilya nina Hataman at Akbar, napag-ayos na rin nga mga pulis at military ang siyam pang pamilya sa probinsya. Roel Pareño

vuukle comment

AKBAR

AUTONOMOUS REGION

BASILAN

BASILAN GOV

BATASAN PAMBANSA

CHIEF SUPERINTENDENT MARIO YANGA

HATAMAN

JUM AKBAR

YANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with