^

Police Metro

Prosecution team, isusulong ang pagsasalin sa iba’t ibang wika sa impeachment trial

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isusulong ng prosecutiton panel na gumamit ng lengguwaheng Pilipino at maging  ng salitang pang-rehiyon sa gaganaping pag­lilitis sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte upang mas maintindihan ng sambayanang Pilipino ang makasaysayang paglilitis.

“I wish to formalize as well on this upcoming pre-trial conference, the possibility of us, the prosecutors, and even the defense, to use Filipino language when the same is possible,” ani lead-Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro.

Ayon kay Luistro, kinikilala niya ang ilang legal na konsepto  na mahirap itong isalin pero nais ng prosecution panel na higit na maging accessible ang proseso para maunawaan ng publiko  dahilan ang impeachment ay isang ­konstitusyonal na proseso na direktang nakakaapekto sa mamamayang Pilipino.

Nais din ni Luistro na ipasalin sa mga rehiyonal na lengguwahe ang mga kaganapan sa isasagawang paglilitis ng Senate Impeachment Court laban kay VP Sara.

Inamin naman ng spokesman ng Prosecution Team na si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na pinag-uusapan na ito sa communication team ng kanilang grupo dahil inaasahan aniya na maraming technical at legal arguments at terminolohiya na hindi naiintidahan ng mga Pilipino kaya nais ng mga ito na isalin ito sa mga regional-languages.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with