WESM pansamantalang sinuspinde ng ERC dahil sa matinding init

MANILA, Philippines — Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pansamantalang sinuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market o WESM.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng Labor Day sa Malakanyang, sinabi nito na ang hakbang ng ERC ay dahil na rin sa matinding init na epekto ng El Niño kaya tumataas ang konsumo ng kuryente.

Sa pahayag ni Pangulong Marcos, suspendido ang operasyon ng WESM sa tuwing magdedeklara ng red alert ang system operator ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Layon anya nito na pigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa gitna ng kalamidad ng dulot ng El Niño.

Sinabi rin ng Pangulo na marami nang ginagawang hakbang ang gobyerno para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng kuryente at mga bilihin.

Nilinaw pa ng Presidente na sapat ang suplay ng kuryente at ng mga bilihin sa bansa.

Siniguro rin niya na may tulong pinansiyal ang gobyerno sa mga residenteng matinding naapektuhan ng El Niño.

Show comments