^

Probinsiya

Inakusahang holdaper at rapist, nilikida

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Bulagta ang 38-anyos na magsasaka na inakusahang holdaper at rapist matapos itong igapos at ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Purok Centro, Barangay Cagay sa Masbate City, Masbate kamakalawa ng hapon. Sa police report na nakara­ting sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktimang si Michael Cañares mula sa pagpupulong kaangkas ang kanyang misis na si Gemma sa motorsiklo nang harangin ng ilang kalalakihan na sinasabing NPA rebs. Pinaalis ng mga rebelde ang asawang si Gemma at ilang residente kung saan tinalian sa kamay ang biktima saka pinagbabaril. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala. Sinabi ng asawa ng biktima na inakusahan ito ng mga rebelde na nasa likod ng mga kaso ng holdapan at panggagahasa sa nasabing lugar.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with