^

Bansa

Ex-BuCor chief sumuko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kapwa akusado ni Senator Leila de Lima na si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge, Atty. Rafael Ragos matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kina NBI De­puty Directors Ferdinand Lavin at Atty. Sixto Burgos, nasa loob na si Ragos ng bisinidad ng NBI main headquarters bagamat hindi umano nais na magpakita o magbigay ng pahayag sa media.

Ayon pa sa mga opis­yal, si Ragos ay sumuko at nakipagkita sa kanila kasama ang kaniyang abugado sa isang lugar sa Quezon City bago dinala sa NBI headquarters.

Sa NBI, isinailalim na si Ragos sa booking process kung saan siya kinunan ng mugshots at fingerprints.

Ngayong araw, da­dalhin si Ragos sa sala ni Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Judge Juanita Guerrero ng Branch 204 para sa return of the warrant of arrest at isasabay na rin umano ni Ragos sa pamamagitan ng abugado ang pagsusumite ng mga pleadings at petisyon na sa NBI maidetine.

Nilinaw pa ni Burgos na ang ilang araw na hindi pagsuko ni Ragos ay dahil naghanda pa umano ito ng mga papeles tulad ng pleadings na isusumite sa korte.

Ang korte ang magpapasiya kung saan dapat ikulong si Ragos.

Una nang isinilbi ang warrant of arrest kay de Lima noong Biyernes ng umaga at nadetine siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame habang si Ronnie Dayan na kapwa akusado rin ay nakapiit naman sa Muntinlupa City Jail. 

vuukle comment

ATTY. RAFAEL RAGOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with