^

Police Metro

3 araw na tigil pasada, ikinakasa ng transport group

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang sorpresang tatlong araw na tigil-pasada ang ikinakasa ng grupong Stop and Go Coalition partikular sa Metro Manila.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ng presidente ng grupo na si Jun Magno na bunsod pa rin ito ng panawagan nilang pagbasura sa Jeepney Modernization Project ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nangangahulugan umano ng jeepney phaseout.

Ayon kay Magno, bubulaga na lamang ang transport strike. Mag-aabiso lamang sila isang araw bago ang tigil-pasada para sa mga maaapek­tuhang commuter.

Umaasa naman si Magno na ngayong tatlong magkakasunod na araw ang isasagawa nilang tigil-pasada ay pakikinggan na sila ng pamahalaan.

Lalahok din umano sa tigil-pasada ang grupong Piston.

Dagdag ni Magno, tanging mga nagsusulong lang kasi ng modernization program ang kinausap ng LTFRB at Department of Transportation.

Kinastigo nito ang nais ng LTFRB na pautangin ang jeepney o­perators ng P1.4 milyon para makabili ng bagong sasakyan at mapalitan ang mga lumang jeepney gayung napakalaki ng tubo dito at wala man lamang babalikating tulong ang pamahalaan.

Anya, mas mainam anya na isailalim na lamang sa rehabilitasyon ang mga lumang jeep para mapakinabangan pa at huwag na lamang ipa­tupad ang jeepney phase out.-  

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with