^

Pang Movies

Sinon nakaiskor kay Drew!

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung sa viewers, nakakatawa ang recent episode ng People vs. The Stars, kabaliktaran naman ito para sa mga naging celebrity players na sina Boobay, Tetay, at Sinon Loresca. Kahit kasi naka-score ng yakap ang tinaguriang Catwalk King ng Pilipinas na si Sinon sa kanyang crush na si Drew Arellano, muli namang na-stress si Boobay sa kasasagot ng tanong kahit na palaging pinapasaya ni Tetay ang mood nila while answering the questions. Kitang-kita namin na kahit na panay ang pagbitaw ng jokes ang Kapuso comedians ay seryoso pa rin sila sa pagsagot sa mga tanong.

Sinasabi ng netizens na ang lakas maka-good vibes ng comedy game show na ito dahil talagang mapapaisip at kakabahan ka para sa mga player every week. Mapapanood ang People vs. The Stars every Sunday, 5PM, sa GMA. 

Chris Tiu nahasa na

After some years of being in the industry, marami ang nakapansin sa development ni Chris Tiu sa pagiging isang mahusay na host. And for him, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang Kapuso show na iBilib dahil dito niya napag-aralan kung paano mas maging natural sa pagsasalita sa harap ng camera.

Aniya sa isang interview, “It has allowed me to be more spontaneous and be more creative in making my own identity. And I think even my co-hosts developed that along the way.”

Bukas (Marso 5), makakasama nila sa paggawa ng mga ito ang Kapuso actress na si Arra San Agustin.  

Aicelle pinalakpakan ng theater actor na si Bradley Jaden

Ipinamalas na naman ni Aicelle Santos ang galing niya sa pagkanta at pinabilib ang international and local fans ng famous theater play na Wicked sa kanyang As Long As You’re Mine performance. Isa ito sa mga kanta sa nasabing play at ka-duet pa niya rito ang bidang aktor na si Bradley Jaden.

Hindi binigo ni Aicelle ang fans ng Wicked dahil powerful ang boses ng Kapuso actress at napakaganda ng harmony nilang dalawa. Kung matatandaan ay kinilala rin ang performance niya noon para sa dulang Rak of Aegis kaya walang duda na kayang-kaya niya ring panindigan ang mundo ng teatro. Napabilib din ni Aicelle si Bradley dahil matapos ang kanilang performance ay pinalakpakan siya nito.

vuukle comment

DREW ARELLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with