Digong napigilang magmura nang makaharap ang Miss U beauties!
MANILA, Philippines - Naging maingat si President Digong Duterte nang ma-courtesy call sa kanya ang mga kandidata ng Miss Universe kahapon.
Kaya maiksi lang ang naging speech niya na nagsabi munang hindi siya makapaniwala na darating ang araw na makakasama niya sa isang room ang mga naggagandahang babae. “This is a rare privilege, an honor and I hope this day will never end,” simula niya.
Banggit pa niya, “I dont read my speeches, I am really not up to it, but this time, they told me I must behave.”
Pagkatapos ng maiksing speech at toast ay isa-isa siyang kinamayan ng mga kandidata at nagpa-photo ops kasama ang mga ito.
- Latest