^

PSN Showbiz

Isinama pa ang mga anak Claudine binalikan at inalala ang dating tinitirhan nila ni Rico Yan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Isinama pa ang mga anak Claudine binalikan at inalala ang dating tinitirhan nila ni Rico Yan!
Claudine Barretto

PIK: Mahigit 100 days pa lang ang panunungkulan ni Lani Mercado bilang alkalde ng Bacoor, Cavite ay naka­tanggap na ito ng 2016 Seal of Good Local Government na igi­nawad ng DILG noong nakaraang linggo.

Bale pangalawang taon na silang nabigyan ng naturang award at sobrang proud si Mayora.

Isa ang Bacoor sa mga lungsod na nakitaan ng DILG na nakakuha ng qualifications sa financial administration, di­sas­ter preparedness, business friendly na rin at maa­yos na environmental protection.

Kaya tuwang-tuwa si Mayor Lani pati ang buong kasamahan nila na nabigyan sila ng naturang pa­ra­ngal.

Sabi ni Lani, nagsilbing hamon sa kanya ang responsibilidad niya bilang alkalde ng Bacoor, lalo na’t may pinagdaanan ang kanilang pamilya kaugnay sa pagkakakulong kay dating Sen. Bong Revilla.

Pahayag ni Lani, “Sinabi ko sa sarili ko na gusto ko mabura ang mga akusasyon laban sa aming pamilya, and I’m here to disprove them. Walang katotohanan ang mga paratang sa amin.

Hindi ko iniisip ang negataive side ng situation. I used the negativity to push myself to do the positive things.”

PAK: May ipinost si Claudine Barretto kung saan nagpapasala­mat ito kay Tina Marie Yan (hindi kami sure kung kapatid ito ni Rico Yan) dahil sinamahan daw siya sa crying sessions nila.

Natulog sila sa condo unit nito sa LPL na maaaring tinutuluyan nu’ng sila pa ng nasirang si Rico Yan.

Sabi nito sa isang post niya sa kanyang Instagram account; “Tonight after 14 years, I will be staying in LPL, the pain is so strong I’m afraid it may knock me down, but I have to face tonight without you.

“Too many memories that are so clear like it was just yesterday, just you and me. Tonight with my kids first time to ever step foot in our home feels surreal. Help me do this with grace, maybe a lot of tears but help me get through this with a smile.”

BOOM: Kahapon ng hapon naman ay ipina-cremate na ang namayapang adoptive mother ni Jennylyn Mercado na si Mommy Lydia.

Nagkaroon muna ng misa sa umaga na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Mommy Lydia. Nandun din si Dennis Trillo na laging nakaalalay kay Jennylyn.

Napakalungkot ng seremonya dahil halos lahat ay umiiyak.

Hindi na nakapagsalita ang Kapuso Ultimate Star dahil iyak lang siya nang iyak.

Ipinagbawal ang pag-cover ng media at interview kay Jennylyn at ilang miyembro ng pamilya dahil mas gusto nilang pribado lang ang kanilang pagdadalamhati.

Nakiusap din silang huwag na magpa-picture kay Jennylyn at huwag nang i-post ang mga kuhang larawan sa social media.

Sobrang dinamdam ng Kapuso actress ang pagpanaw ng kinilala niyang inang nag-aruga at nagpalaki sa kanya.

Nakikiramay po kami kay Jennylyn at nalulungkot din kami dahil napakabait ni Mommy Lydia sa mga reporter lalo na ang mga tumutulong sa kanyang anak.

vuukle comment

RICO YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with