^

Probinsiya

Trak bumaliktad: Estudyante dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 15 anyos na estudyante habang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang bumaliktad ang sinasakyang truck sa matarik na highway ng Barangay Catlubong sa bayan ng Buguias, Benguet kamakalawa ng hapon. Naipit sa truck at namatay ang biktimang si Razel Butata habang isinugod naman sa Baguio General Hospital ang driver ng truck na si Jerico Butata, 21, at helper nitong si Benson Liwan, 20. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bumabagtas sa pababang bahagi ng matarik na bahagi ng highway ang Elf truck (XHY 890) na minamaneho ni Butata nang mawalan ng preno kaya nagpagewang-gewang ang takbo nito  hanggang sa sumalpok sa konkretong barandilya ng highway at bumaliktad. Nabatid na patu­ngong La Trinidad, Benguet ang truck na kargado ng gulay mula pa sa bayan ng Tinoc, Ifugao nang makasalubong ang trahedya.

 

vuukle comment

TRAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with