^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-44 Labas)

-
Napagtuunan ng pansin ni Lara ang kaanyuan ng mommy ni Jay. Malulusog ang mga dibdib nito na parang hindi nasalanta noong kabataan pa. Mahuhubog ang mga makikinis na binti at hita. Maliksi itong kumilos na bihira sa mga babaing matrona. Napagmasdan niya ang maliit na puson nito at wala siyang makitang bilbil. Maliban sa ilang gatla sa leeg ay wala nang maipipintas sa mommy ni Jay. Mayaman kasi kaya sunod ang anumang naisin sa katawan. Anumang pampaganda sa katawan ay maaaring gawin o bilhin dahil maraming pera. Kapag ganoong nakikita ni Lara ang mommy ni Jay ay naaalala naman niya ang namatay na ina. Inatake sa puso ang mommy niya. Malapit pa lamang mag-50-anyos nang mamatay. Siguro’y dahil sa mga pagkaing ma-cholesterol ang dahilan kaya nagkasakit sa puso. Hindi rin naman kasi sila gaanong mayaman at wala ring hilig sa mga ehersisyo ang mommy niya. Sapat na rito ang maghapong paggawa sa bahay. Maaaring isang dahilan ng maagang kamatayan ay ang kunsumisyon sa kanyang daddy na mahirap pakisamahan. Pero natatandaan naman niyang umiyak ang kanyang daddy nang mamatay ang kanyang mommy. Mapapabuntung-hininga si Lara kapag naaalala ang bahaging iyon ng kanyang buhay.

"Mahusay ding lumangoy itong si Lara mommy?" sabi ni Jay. Tumayo ang mommy ni Jay mula sa pagkakaupo at tiningnan si Lara. Halos kasingtaas lang niya ito. Dinampot ang malapad na tuwalya at bahagyang itinakip sa katawan.

"Sanay ba siya sa pool?" Hindi maderektang matanong si Lara.

"Sanay ‘yan Mommy. Isa ‘yan sa exercise na nagpa-slim sa kanyang katawan. Di nga lamang makapag-practice dahil busy sa trabaho."

Saka hinagod nito ng tingin ang katawan ni Lara. Matagal. Pagkuwa’y bumaling kay Jay at tinanong kung anong mga ulam ang gustong ipaluto sa maid.

"Mommy hindi kami magtatagal. Pupunta pa kami kina Daddy — sa father ni Lara."

Nakita ni Lara ang pagkunot ng noo ng mommy ni Jay.

"Ano bang okasyon meron at sandali lang kayo?"

"Birhday ni Daddy, Mommy. Doon daw kami mag-lunch."

"Tuwing Linggo na nga lang tayo nagkikita e maaga pang aalis. Wala ka namang sinasabi sa akin tungkol diyan a!" (Itutuloy)

vuukle comment

ANO

ANUMANG

BIRHDAY

DINAMPOT

INATAKE

JAY

LARA

MOMMY

TUWING LINGGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with