^

True Confessions

Mapait na asukal - (Ika-41 Labas)

- Ronnie M. Halos -
Maraming pintas ang mommy ni Jay sa kanilang bahay. Maliit daw. Marumi raw. Mainit daw. Bakit daw ba nagtitiis sa bahay na iyon gayong maaari namang tumira sa malaki nilang bahay sa Makati. Wala naman daw nakatira roon. Inikot ng mommy ni Jay ang kabuuan ng bunggalow. Sa totoo lamang ay hindi maliit, hindi pangit, hindi marumi at lalong hindi mainit ang bahay. Ang kagandahan ng mukha ng mommy ni Jay ay pinapapangit ng kasinungalingan nito. Ang totoo’y isa sa mga bagong modelo ng bahay sa eksklusibong subdibisyon ang bagong tayong tirahan. Ayon kay Jay ay kilalang arkitekto ang gumuhit ng plano. Ang style ay tulad ng mga bahay umano sa Milan, Italy. Paano papangit ang bahay na ginagastusan nang malaking halaga ng pera?

Habang kung anu-anong pamimintas ang ginagawa ng biyenan ni Lara ay wala namang imik si Jay. Parang pinukpok na dalag sa isang tabi na walang kapiyok-piyok. Inilihim ni Lara ang pagbuntung-hininga. Hindi rin naman siya nagpahalata na nasasaktan sa mga maaanghang na sinabi ng kanyang biyenan.

Pinuna rin nito kung bakit walang katulong. Hindi raw sanay si Jay na walang katulong. Pumasok sa banyo at ininspeksiyon. Nakakita ng gumagapang na ipis sa pader ng banyo at lalo nang naging maanghang ang mga sinabi.

"Sa banyo raw makikita kung malinis o hindi ang tao," sabi at inutusan ang kasamang maid na linisin ang banyo. Pinigil ni Jay subalit hindi naawat ang mommy niya.

Pati pagkain ay pinuna rin. Baka raw kung anu-ano na lamang ang kinakain ni Jay. Baka hindi balanse. Kailangan ay maraming lamang prutas ang refrigerator. Kailangan daw ay maraming juice sa ref. Bawasan daw ang pagluluto ng kanin at baka lumaki ang tiyan nito.

Gabi na nang umalis ang mommy ni Jay. Iniiwan ang kasamang maid subalit hindi pumayag si Jay. Saka na lang magkakatulong.

Wala silang imikan subalit hindi na nakatiis si Lara na punahin ang mommy ni Jay.

"Ayaw ka yatang pag-asawahin ng mommy e bakit pinakasalan mo pa ako? Ngayon ay gusto pa tayong panghimasukan."

Hindi makatingin nang deretso si Jay kay Lara. (Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

AYON

BAHAY

BAKIT

JAY

KAILANGAN

LARA

MOMMY

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with