^

Pang Movies

Mabigyan na kaya ng US visa? Civil rights ni Robin naibalik na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung sabihin nga “better late than never”, pero kung napaaga lang sana ng ilang linggo ang pagbibigay ng absolute pardon ni Presidente Digong Duterte kay Robin Padilla, baka nasamahan niya ang kanyang asawang si Mariel Rodriguez nang magsilang iyon ng kanilang panganay na anak, si Maria Isabella.

Pero wala ngang nagawa si Robin nang hindi siya payagan ng US Embassy sa kabila ng mga pakiusap kahit na ng executive ng ABS-CBN na si Linggit Tan, na nagsabi pang tiyak namang babalik si Robin sa Pilipinas dahil may kontratra iyon sa kanilang kumpanya.

Ang problema naman pala, ni walang kaukulang travel documents si Robin dahil ang pardon na ibi­nigay sa kanya noon ni dating Presidente Ramos ay “conditional” lamang. Ibig sabihin, libre siya sa kulong pero hindi ibinalik sa kanya ang kanyang karapatang sibil. Hindi siya makakaboto. Hindi siya maaaring kumandidato. Hindi rin siya maaaring kumuha ng lisensiya sa baril, at hindi rin siya makakabiyahe sa ilang mga lugar na kailangan ng visa.

Ngayong naibigay na sa kanya ni Presidente Digong ang absolute pardon, fully restored na ang lahat ng kanyang civil rights. Maliwanag ngayon na husto na ang kalayaan ni Robin.

Maganda rin naman ang sinabi ni Presidente Digong. Doon sa krimen na naging dahilan ng pagkakakulong ni Robin ng tatlong taon, “walang taong nasaktan.” May baril nga siya na illegal, pero habang hindi naman niya ipinuputok iyon eh sino nga ba ang masasaktan. Pero ang batas at batas na dapat ipatupad. Pero tama ang presidente, siguro naman tama na ang ginawang pagbaba­yad ni Robin sa kanyang pagkakamali.

Stars sa Walk of Fame konti lang ang mabibigyan

Natuwa kami sa narinig na­ming balita na ang sinimulang Walk of Fame ni Kuya Germs ay ipagpapatuloy din naman pala ng kanyang anak na si Federico Moreno. Kaya ibig sabihin, sa susunod na buwan ay magdadagdag na ng “stars” ng mga artista sa nasabing Walk of Fame. “Iyon nga lang, hindi kasing dami noong dati,” ayon sa aming source.

Mahirap naman talagang gawin ang ginagawa ni Kuya Germs noon. Ang bawat isang star sa Walk of Fame ay nagkakahalaga noon ng mahigit 30 libong piso. Lahat iyon galing sa mismong bulsa lamang ni Kuya Germs. Tapos may malaking gastos pa roon, iyong reception kasabay ng paglalagay ng stars.

Ngayon may mga kaibigan naman si Kuya Germs na nangakong tutulong sa gastos kay Freddie, matuloy lang ang pet project na iyan ni Kuya Germs dahil alam nilang ikatutuwa iyon ng yumaong Master Showman. Pero sino ba naman ang gagastos ng milyong piso na mula sa kanilang sariling bulsa para riyan kagaya ng ginagawa ni Kuya Germs noong araw?

Goma nagsampa na ng kaso sa mga pulis

Nag-file na ng kaso kahapon ng hapon sa Napolcom, si Mayor Richard Gomez, laban sa mga opisyal ng pulisya na nagbintang sa kanyang tumanggap ng “drug payola”.

Iyon talaga ang pinakamagandang magagawa ni Goma, ang aksiyong legal para bigyang proteksiyon ang kanyang sarili.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with