^

PSN Showbiz

Heart at Dennis lihim na lihim ang tina-trabaho!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nag-first day taping na si Heart Evangelista sa Mulawin vs. Ravena last Friday at tila sa may bandang Cavite ang taping dahil pinost ni Heart na habang on call siya, sumaglit siya sa Pamana Restaurant sa branch nito sa Tagaytay.

Noong Friday din naka-schedule ang first taping day ni Dennis Trillo para sa nagbabalik na fantaserye ng GMA 7, kaya malamang magkasama sila sa eksena.

So far, walang lumabas na leakage sa first taping day ng Mulawin vs. Ravena, maganda ito dahil hindi napapangunahan ng social media ang taping. Maganda rin na hindi nilalabas ng naunang cast ang kani-kanyang role para hindi nababawasan ang interes ng tao. Si Dennis pa lang ang may malinaw na role bilang si Gabriel na ginampanan din niya sa unang Mulawin.

Kaya nga excited ang fans ng fantaserye kung ano ang role ni Heart, Carla Abellana, Tom Rodriguez, Ariel Rivera na bagong dagdag daw sa cast, Regine Velasquez at ang iba pang kasama sa cast.

Idagdag na rin namin na guest sa Dear Uge this Sunday si Dennis sa episode na Mama na si Mama’s Boy. 

Cong. Alfred at misis tapos na sa paghahanda sa kasal

Matutuloy na ang church wedding dito nina Cong. Alfred Vargas at Yasmine Vargas dahil sa ibinalita ni Yasmine via social media na nakumpleto na nilang mag-asawa ang marriage preparation program na kanilang dinaluhan.

Hawak ng dalawa ang certification sa pinost na picture ni Yasmine at nilagyan ng caption na “Alf and I comple­ted our marriage preparation program today. We have been married for almost 7 years now, but attending this program has provided us with extra tools to build a strong, successful and enduring marriage that will create a happy family and a better community.”

Sa hashtag ni Yasmine na #4monthstogo, parang ang kasal nila ang gusto nitong tukuyin. So, kung March niya ito pinost, ibig bang sabihin, sa July ang wedding nila ni Cong. Alfred?

Jake at Inah de Belen mag-on na!

Tuwang-tuwa ang fans nina Bea Binene at Jake Vargas nang makitang magkasama sila sa picture after a long, long time. Parehong dumalaw ang dalawa sa GMA executive na si Joey Abacan sa office nito at doon lang sila nagkita.

Nag-react si Derrick Monasterio, ang ka-love team ngayon ni Bea, pero emoji lang ang pinost at sinagot siya ni Bea ng emoji rin.

Ang nakapagtataka, bakit na-delete ang convo ng emoji nina Bea at Derrick, sino ang nag-delete?

Nag-request ang JaBea fans na muling pagsamahin sina Jake at Bea sa isang project, posible naman ito lalo’t mukhang okay na sila. Ang malabo lang ay ang hiling ng fans na maging sila uli, as in, magkabalikan ang dalawa.

Malabo ito dahil GF na ni Jake si Inah de Belen ngayon at saksi ang mga kasama ng dalawa sa taping ng Encantadia kung gaano sila ka-sweet off cam. Sa Oh, My Mama! nagsimula ang relasyon nila.

Michael V. nadagdagan ang show

Magiging tatlo ang regular shows ni Michael V sa GMA 7 dahil nang mag-renew siya ng kontrata, nabanggit ni GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable na may bagong show si Michael V.

“It’s a contest” lang ang sinabi nito na i-a-announce in the days to come.

Bukod pa ito sa Bubble Gang at Pepito Ma­naloto na patuloy na sinusubaybayan ng viewers.

Makikitang prized talent ng network si Michael V dahil full force at kompleto ang mga bossing ng mag-renew ito ng kontrata. Dagdag ni Ms. Lilybeth, bukod sa pagiging loyal sa network, very generous din si Michael V sa kanyang talent, sine-share sa mga kasama at napakahalaga ng contributions nito sa entertainment ng GMA.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with