^

PSN Showbiz

Leila umurong ang dila, pagtawag ng ‘PA’ kay Regine binawi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Deleted na ang word na “PA” sa post ni Leila Alcasid sa Instagram (IG) ng picture niya sa kanyang first pictorial. Nabasa pa namin ang post niyang “Special thanks to my PA for accompanying me on my first.”

The next time we visited Leila’s IG, nabago na ang post niya. “Special thanks to @reginevalcasid for accompanying me on my first.” Dahil ‘yun sa over reaction ng fan ni Songbird.

Mabuti at wala pang nagre-react sa pabiro ring nasulat na “Yaya” ni Nate si Leila dahil sa kwento ni Regine sa presscon ng Full House Tonight na habang wala pang ginagawa si Leila, “nag-aalalay siya sa kapatid niya. Siya ang sumusundo sa school.”

Nabanggit din ni Regine sa presscon na narito si Leila to rest, pero kung may chance for her to earn extra money, kung may magandang offer, hindi nila pipigilan ni Ogie Alcasid na tumanggap ito ng project.

Samantala, sa mga nagku-comment na baka katulad ng Sunday PinaSaya ang concept ng Full House Tonight, ang payo ng mga bossing ng GMA-7, hintayin munang mapanood ang show simula February 18. To be fair, three years na raw nilang concept ito at ngayon lang natuloy sa show ni Regine.

Ashley instant sikar sa commercial

Sina Ashley Ortega ng Crush episode at Matthias Rhoads ng Vow episode ng hit na hit na Kwentong Jollibee Valentine Series ang may konek sa showbiz. Ang ibang bida sa nasabing episode at ‘yung Date episode ay mga hindi taga-showbiz, pero sikat na sikat na ngayon.

Si Ashley ay talent ng GMA Artist Center at nakalabaas na sa ibang shows ng GMA-7 ang pinakahuli ay sa Oh My Mama. 

Sana, mabigyan siya ng new project ng network para ma-sustain ang interes ng tao sa kanya.

Si Matthias ‘yung nakatuluyan ng girl sa Vow episode at isa siyang stage actor at napanood sa Fifty Shades the Musical Parody at may mga TVC nang nagawa. Isa siya sa three jud­ges sa reality show na The Fiercest of them All na airing sa GMA News TV sa March.

Ara di na inamin ang rason ng emote

Nag-taping na uli si Ara Mina sa Afternoon Prime soap ng GMA-7 na Pinulot Ka Lang sa Lupa, kaya tuloy ang pagiging nanay niya kay LJ Reyes. Sa first taping day niya mula nang magka-isyu sa teleserye, nagpa-picture ang aktres kasama sina Direk Gina Alajar at LJ at pinost sa Instagram (IG).

Natapos ang isyu na hindi nalaman ang totoong rason kung bakit ginusto ni Ara na mag-quit sa nasabing teleserye. Mabuti at naagapan, kinausap siya at ang maganda, nakinig si Ara at heto, balik-taping na siya.

Anyway, pinu-promote ni Ara ang Star Cinema movie na My Ex and Whys kung saan gumaganap siyang ina ni Liza Soberano. Magkaka­patid sila nina Cai Cortez at Arlene Muhlach at kabilang sila sa magbibigay saya sa pelikulang showing na sa February 15 sa direction ni Cathy Garcia-Molina.

Lovi sa New York at Japan nag- birthday

Saan ba talaga nag-celebrate ng kanyang birthday noong February 11 si Lovi Poe? Sa social media post nito, nasa New York siya, pero may post din na nasa Japan siya.

Ang importante, kasama niya ang BF na si Chris Johnson at kahit wala pa siyang pino-post na picture nila together, nabanggit nitong surprise ng “Cheri” niya ang birthday celebration niya sa New York.

Extended ang bakasyon ni Lovi na umalis ng bansa noon pang January 20. 

Daniel todo paliwanag sa isyu ng pera

Patuloy ang pagsagot ni Daniel Matsunaga sa followers niya sa social media na may kinalaman ang pera sa breakup nila ni Erich Gonzales. Sana may magsabi sa kanyang ‘wag sagutin ang mga nagtatanong dahil kahit paulit-ulit niyang sabihing “Money issue is not true. Stop believing what you read,” paniniwalaan pa rin ng tao ang gusto nilang paniwalaan.

Gayahin niya si Erich na isang interview lang at hindi na uli nagsalita. Hindi na naghanap ang mga reporter ng iba niyang pahayag, basta sinabing break na sila, hindi sila friends at hindi sila nag-uusap.

Ganu’n dapat Daniel, hindi lahat ng tanong sinasagot at total, sinabi mo nang walang kinaalaman ang pera, stop na dapat. Binibigyan mo lang ng bala ang press people at bashers mo na patuloy kang uriratin about the “money issue.”

 

vuukle comment

LEILA ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with