^

Punto Mo

Mga lumang dyipni, hindi na dapat irehistro ng LTO

PULSO NG MASA - Pang-masa

Nararapat lamang na i-phase out na ang mga lumang dyipni na may edad 15 taon pataas. Mga bulok na ang mga dyipning ito at nararapat nang ibenta sa junkshop. Kadalasang ang mga dyipning ito ang nagbubuga nang maitim na usok na lumalason sa ating kapaligiran. Ang mga dyip­ni ring ito ang madalas maka-  aksidente sapagkat nawawalan ng preno. May mga nasasagasa-ang pedestrian at sasakyan. Ka­ra­mihan din sa mga dyipni drayber ay walang disiplina at nagbababa at nagsasakay sa mga bawal na lugar. Sa gabi, hindi nag-iilaw ang mga drayber na ito kaya may nababangga.

Isa sa dapat gawin ay huwag nang irehistro ng Land Transportation Office (LTO) ang mga lumang dyipni. Kung ganito ang gagawin, mapipilitan na ang operator na dalhin na sa junk shop ang bulok niyang dyipni.  — RAFFY SOLIAS, Gelinos St. Sampaloc, Manila

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with