^

Punto Mo

EDITORYAL - Dapat kumilos ang PNP sa illegal gambling

Denison Rey A. Dalupang - Pang-masa
EDITORYAL - Dapat kumilos ang PNP sa illegal gambling

WALANG nabanggit si Pres. Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon ukol sa illegal gambling na minsan na rin niyang nabanggit sa unang SONA noong nakaraang taon. Talamak ang illegal gambling lalo na ang jueteng at malamya ang Philippine National Police (PNP) sa problemang ito. Sa halip na malusaw ang jueteng, lalo pang lumubha.

At ang pagiging malamya ng PNP ang nagtulak sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para tapyasan ang binibigay na pondo rito. Mula Enero hanggang Hunyo 2017, nakatanggap na ang PNP ng P154 milyon mula sa PCSO. Noong Oktubre 2016, nagkasundo ang PCSO at PNP na pagkakalooban ng pondo ang pambansang pulisya pero kailangang patindihin ang kampanya sa illegal gambling sa bansa lalo na sa jueteng. Pero hindi nabawasan ang jueteng sa mga barangay at lalo pa ngang dumami ang mga kubrador na nag-iikot sa bahay-bahay para magpataya. Ang mga mananaya ay nagbabakasakali kaya pati ang pambili ng bigas at sardinas itataya na sa jueteng.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, balak nilang tapyasin ang kalahati ng pondong pinagkakaloob sa PNP. Ang tinapyas na kalahati ay balak ipagkaloob sa Armed Forces of the Philippines at iba pang law enforcement agencies.

“Maliliit na isda” lamang umano ang nahuhuli ng PNP at ang mga “big fish” ay patuloy na nagpapa-jueteng. Walang aksiyon na ginagawa at hinahayaan na lamang ang gambling operators sa kanilang gawain. Ayon kay Balutan, 5,000 tao lamang na sangkot sa jueteng ang nahuhuli ng PNP. Napakaliit umano nito at pawang pipitsugin pa ang nahuli. Dapat doblehin daw ng PNP ang effort. Sabi naman ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, ginagawa nila ang lahat para malutas ang jueteng.

Tama lamang na bawasan ang pondo ng PNP dahil naging inutil sila sa jueteng. Kung maaari nga, dapat wala nang pondo ang PNP mula sa PCSO. Dapat mag-isip-isip si Dela Rosa sa nangyayaring ito. Dapat kumilos siya para malusaw ang jueteng.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with