^

Punto Mo

Kauna-unahang high-tech na lapida sa mundo, naimbento sa Slovenia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa Slovenia ang nag-aalok ng mga makabagong lapida na siguradong gagawing high-tech ang mga puntod.

Matatagpuan sa Pobrezje cemetery sa Maribor, Slovenia ang kauna-unahang lapida sa mundo na gawa sa 48 pulgadang screen na maaring magpakita ng mga imahe at video.

Matibay ang screen na gagana kahit ano pa ang panahon. Hindi rin ito basta-basta masisira ng mga gustong sumalbahe sa puntod.

Nagbubukas lamang ang screen ng lapida kapag may taong nakatayo sa harap ng puntod. Nilagyan ito ng sensor upang hindi masayang ang baterya nito at para na rin tumagal ang buhay ng screen.

Naimbento ang high-tech na lapida sa tulong ni Milan Zorman na isang propesor ng computing sa University of Maribor.

Ayon kay Zorman, gumagawa na rin sila ng smartphone app na maaring kumonek sa lapida upang mas lalong maging interactive ito.

Sa pamamagitan ng smartphone app ay maaring mapa-kinggan ng mga bumibisita sa puntod ang mga tunog na nagmumula sa video na ipinapakita sa screen. Sinadya kasi nilang hindi lagyan ng speakers ang mga lapida upang ma-panatili ang katahimikan sa sementeryo.

Ipinagmamalaki ng kompanya na sila ang kauna-unahan sa paggawa ng mga high-tech na lapida at ngayon pa lang ay nakakatanggap na sila ng mga order para sa mga ito na nagkakahalaga ng 3,000 euros (katumbas ng P158,000.)

vuukle comment

MARIBOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with