Maging kalmado - Malacañang
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Malacañang sa publiko na manatiling kalmado pero alerto kasunod ng naitalang paglindol kahapon sa Batangas, Metro Manila at karatig-lalawigan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ina-assess na ng mga disaster officials ang sitwasyon at patuloy sa pagbibigay ng updates sa publiko.
Ayon pa kay Abella, hinihikayat nila ang lahat na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi naberipikang impormasyong magreresulta lamang ng pagkaalarma o pagpanic ng mga mamamayan.
“We ask our people to stay calm and yet remain vigilant and alert. Let us not forward information from unverified sources that may cause undue alarm. Disaster officials are now assessing the situation and will be giving updates to the public as more information about the Saturday earthquake becomes available,” ani Abella.
- Latest