^

PSN Showbiz

Basilica ng Taal isinara pagkalindol!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi ko naramdaman ang lindol noong Martes ng gabi dahil maaga ako na natulog. Hindi rin na-feel ng mga nanood ng concert ng Coldplay ang lindol dahil aligaga sila sa paghihintay sa pag-uumpisa ng show.

Nabalitaan ko na lang kahapon na naramdaman sa Metro Manila at sa ibang mga lugar ang lindol na sentro ang probinsya ng Batangas.

Si Pong Mercado ang alkalde ng Taal, Batangas . Naging bahagi ng showbiz si Pong dahil matagal siya na nagtrabaho sa Regal Films bilang supervising at line producer.

Mabilis na kumilos si Pong nang matapos ang lindol. Binisita niya ang mga lugar sa Taal na posibleng napinsala, kabilang ang Basilica of Martin de Tours, isa sa pinakamaganda na lumang simbahan sa buong Pilipinas.

Pansamantala na isinara ang Basilica ng Taal dahil sa mga tipak ng bato na nakita na nalaglag pagkatapos ng lindol. Gusto ni Pong na makatiyak na walang malaking damage sa simbahan at ligtas ito na puntahan, lalo na ngayon na papa­lapit na ang Semana Santa.

Ang Basilica ng Taal ang paborito na puntahan ng mga Katoliko para sa kanilang Visita Iglesia.

Ipinagdarasal ng mga miyembro ng Catholic Church na walang malaking pinsala ang Basilica ng Taal at huwag nang maulit ang nangyari sa centuries-old churches sa Bohol na napulbos dahil sa malakas na lindol noong October 2013.

Napakaganda ng Basilica ng Taal na marami nang beses na napanood sa mga pelikula. Kinunan sa nasabing simbahan ang ilan sa mga eksena ng Oh My Girl, ang pelikula ni Judy Ann Santos noong 2009.

Ang Basilica ng Taal ang pinili ng ex-couple na sina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren na venue ng kanilang church wedding noong 1996 dahil hometown ng mga magulang ng singer-actor ang Taal.

Madalas na bumibiyahe si Mother Lily Monteverde sa Taal dahil naririto ang kanyang Imperial Resort and Hotel. Nagustuhan ni Mother ang Taal kaya dito niya ipinatayo ang resort na kapangalan ng kanyang hotel sa Quezon City.

Noon pa ako iniimbitahan ni Mother na puntahan ang resort niya sa Taal pero na ako sa mga malalayo na biyahe.

Wake up call para sa lahat ang lindol na naganap noong Martes, ayon sa statement na inilabas ni Pong.

“Dulot ng lindol na naganap ilang minuto lang ang nakakaraan, agaran ang ginawang damage and needs assessment ng MDRRMC, PNP, at ng Civil Security Unit.

“Sa awa ng Maykapal, walang nai-report na matinding pinsala sa ating bayan. Subalit, tulad ng makikita sa larawan, may naganap na pag-guho ng mga bato sa harap ng ating Basilica.

“Umasa po kayo na hindi dito magtatapos ang ating tugon. Ang lindol na ito ay isang wake-up call at warning sa ating lahat na maging handa higit lalo na sa ating bayan na maraming mga heritage houses na maaaring mapinsala.  

“Pinag-aaralan po natin ang pagsasaayos ng ating nga lumang gusali tulad ng Escuela Pia kung papaano mapatibay ito sa mga sakuna. Patuloy rin po ang pagbili at pag-upgrade natin ng mga gamit para maka-responde ng mabilis at epektibo sa sakuna.”

vuukle comment

PONG MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with