^

Pang Movies

Alden at Maine tigil-taping para sa Coldplay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden at Maine tigil-taping para sa Coldplay
Alden Richards at Maine

Muling nasopresa si Pambansang Bae Alden Richards nang bago mag-closing spiels ang buong cast ng musical comedy program na Sunday PinaSaya last April 2 ay minadali siyang pinaakyat ng stage at ini-award sa kanya ng GMA Records at PARI ang certified Gold Record Award para sa second album niyang Say It Again.

Inspired naman si Alden sa pagti-taping nila ng SPS pagkatapos ng live presentation para sa Sunday, April 9 dahil nasa Kalye Serye Sa US na sila ni Maine kasama ang tres lolas sa Los Angeles, California at sa April 12 sa New York City. Tumuloy na rin is Alden sa taping nila ni Maine at buong cast ng Destined To Be Yours sa Camaya Coast Resort sa Mariveles, Bataan kahapon. 

Ngayong hapon naman, April 4, time out muna sina Alden at Maine sa taping dahil magkasama silang manonood ng Coldplay concert sa MOA Grounds.

Direk Laurice ayaw ng matandang dyowa!

Nakatikim pala si Ryza Cenon ng galit ni Direk Laurice Guillen sa isang eksena ng kanilang top rating afternoon prime drama na Ika-6 Na Utos. May isa palang eksena na hindi makuha ni Ryza ang acting na gusto ni Direk Laurice kaya nilapitan niya.

“Kinagalitan ko siya, aba sinagot ako at tinalikuran,” kuwento ni Direk Lauirce. 

“Kaya sabi ko ‘okey take na tayo.’ Lumapit lamang ako kay Ryza para galitin siya, I motivated her, I succeed naman.”

Since malapit na ang Holy Week, tinanong namin si Direk Laurice kung nasaan sila ng mga anak na sina Ana at Ina Feleo?

“Si Ana luma-lovelife sa New York,” nakangiting sagot ni Direk Laurice. “May lovelife rin si Ina, pero kami ang magkasamang magbabakasyon ng ilang araw sa Long Beach sa San Vicente, Palawan. It’s the longest white beach in the Philippines.”

Biniro namin si Direk Laurice kung wala ba siyang lovelife ngayon?

“Okey na ako na walang lovelife. Ayaw ko namang old din tulad ko ang maging boyfriend ko, masaya na ako na ganito.”

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with