^

Probinsiya

Mag-asawa tiklo sa drug session

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Arestado ang mag-asawa makaraang maaktuhan sa drug session sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Santa Rosa I, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina John Paul Nues, 32 at Revelyn Nues, 29, mga nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa ulat nina PO2 Rommel Barnig at PO3 Lydio Vinegas, sinalakay ng pulisya ang bahay ng mag-asawa kaugnay sa kasong carnapping laban kay John Paul na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng Malolos City Regional Trial Court Branch 18 sa Bulacan. Gayunman, naaktuhan ng mga awtoridad ang mag-asawa sa drug session kung saan nasamsam ang tatlong plastic sachet na shabu, improvised glass tooter at iba pang drug paraphernalia. Pinaghahanap din ng pulisya ang apat pang suspek na sinasabing kasabwat ni John Paul sa  kasong carnapping.

vuukle comment

MAG-ASAWA TIKLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with