^

Bansa

QC Vice Mayor Joy Belmonte nagbabala

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang mga kababaihan ng lungsod na iwasan ang paggamit ng ilegal na droga kung nais mapaganda ang buhay ng pamilya at  mapagtagumpayang makamit ang pangarap na maging Drug Free ang  QC.

Ito ay sinabi ni Belmonte sa ginanap na Women’s Forum on Drug Abuse Prevention Education kahapon sa harap ng may halos 1,000 women leaders mula District 1 hanggang District 6 na nakiisa sa okasyon sa Amoranto Stadium sa QC kahapon ng umaga.

“Dati sa mandatory drug testing, kapag ikaw ay nag-positive sa illegal drugs ay puwede kang ipa-rehabilitate tapos balik ka sa trabaho pag drug cleared ka na, pero ngayon sa batas ng Dangerous Drugs Board, kapag ikaw ay nag-positive sa illegal drugs, dismis ka na sa trabaho kaya magdalawang- isip na kayo para hindi mawalan ng trabaho,” pahayag ni Vice Mayor Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na ang forum ay upang maipaalam sa mga kababaihan ngayong Women’s Month ang pa­ngangailangan ng bawat isa na malaman ang mga dapat gawin kung sangkot sa paggamit ng droga at tuloy mabigyan ng kagyat na atensiyon ang mga nais na magbago.

Iniulat din ni Belmonte na sa 16 libo na sumuko ay 8 libo lamang sa mga ito ang nagpupunta sa barangay para ma-profile at matulungan.  Sa kabuuang bilang ay 1.8 libo ang kababaihan.

Sa mga gumagamit ng illegal drugs sa QC, ang mga may edad mula 36 hanggang 59-anyos ang may pinakamataas na bilang ng mga users na umaabot sa 581, sunod ang mga 18 hanggang 35-anyos  na nasa 422, 60-anyos o mga senior citizen, 38 users at edad 17 to 18-anyos ay 19 users.

Ipinagmalaki rin ni Belmonte na ang QC ang kauna-unahang lokal na pamahalaan sa Pilipinas na may 19 cleared barangay at may dagdag pang 20 barangays na magiging cleared din sa droga na certified ng PDEA at Dangerous Drugs Board.

“Kaya nga po ang dream ko at dream ng lahat ay maging drug-free ang QC at sa tingin ko naman ay maaabot natin ito sa pagtutulungan nating lahat,” sabi pa ni Belmonte.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with